LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Abril 29 (PIA)—Pagkain, pansamantalang tirahan, transportasyon at iba pang suporta and handog ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan sa frontliners na nagsisilbi ngayong panahon ng COVID-19 ayon sa opisyal na Facebook Page ng pamayanan.
Marami sa frontliners na naitalaga sa iba’t-ibang brgy. health station at ospital ng Binangonan ay nanggaling sa iba’t-ibang bayan kaya minarapat ng Pamahalaang Bayan na matuluyan ng mga doctor, nurse, midwifes at DSWD staff ang Binangonan Recreation Conference Center Hotel (BRCC) para
hindi mahirapan sa pagpasok at paguwi habang pinapatupad ang Enhanced Community Quarantine.
Mayroon ring ayuda sa pagkain (packed meals) araw araw ang frontliners upang makasiguro na hindi sila magugutom sa kabila ng pagkasarado ng ilang mga restaurant at bilihan ng pagkain. Mayroon ring nakalaang supply ng Vitamin C upang makapagpalakas ng kanilang immune system.
Naglaan rin ang munisipyo ng mga sasakyan at driver araw-araw upang masundo at hatid ang mga frontliners na malapit lamang ang mga tirahan at maihatid sa kanilang respective area of assignment.
Kasama rin sa ibang suporta ng munisipyo ang pagpapagawa at paglalagay ng physical barriers tulad ng plastic shields at face shield para maiwasan ang exposure sa COVID-19 sa triage and konsultasyon, pagbili at paghahanda ng sapat at tamang Personal Protective Equipment (PPE) at pagbibigay ng kaukulang hazard pay na naayon sa batas dahil sa panganib na dala ng kanilang gawain tulad ng direct at indirect exposure sa mga pasyente at infectious materials. (PIA Rizal, may ulat mula sa Pamahalaang Bayan ng Binangonan Facebook Page)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments