LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Mayo 21 (PIA)-- Nakipag-ugnayan ang Lungsod ng Antipolo sa JoyRide at Happy Move upang mabigyan ng trabaho at dagdag na kita ang halos 2,000 hanggang 3,000 na tricycle driver.
Inanunsyo ni Antipolo City Mayor Andrea Ynares na layunin ng pamahalaang matulungan ang mga tricycle drivers na apektado ang pagkita dahil sa mga limitasyong dala ngayong panahon ng COVID-19 tulad ng odd-even scheme.
Aniya ay mula sa pagiging tricycle drivers ay magiging Joyride Pabili o Joyride Customer delivery riders ang mga apektado.
Layunin rin nitong makatulong na mabawasan ang paglabas ng mga mamamayan sa mga tahanan at gayundin ang mabawasan ang trapiko sa daan.
Sa kasalukuyan ay inaayos rin ang isang sistema kung saan magbibigay ng pera na hindi galing sa government funds upang magsilbing petty cash o revolving fund ng mga tricycle drivers na walang pang abono sa mga ipapabili ng potential customers.
Dagdag ng alkalde na ang mga interesadong tricycle drivers ay maaring magsabi sa mga opisyales o kaya ay lumapit kay Olan AvendaƱo ng Antipolo City Public Transport Regulatory Board. (PIA Rizal may ulat mula sa Jun-Andeng Ynares Facebook Page)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments