LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 17 (PIA) -- Isang health care worker sa Caraga ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH) Caraga.
Ang pasyente ay isang 37-year-old na babae at manggagawa ng Caraga Regional Hospital (CRH) na isa sa dalawang COVID-19 referral hospitals sa rehiyon.
Ito ang pang-apat na kaso ng COVID-19 sa Caraga region. Nakarecover na ang naunang tatlong kaso sa COVID-19.
Sa kasalukuyan, nananatiling asymptomatic ang pasyente and na isolate at na admit na sa naturang ospital para sa isasagawang obserbasyon, monitoring, at follow-up tests.
Dahil dito, sisiguraduhin ng CRH ang mandatory testing sa mga at-risk health care workers na naexpose sa sakit. Ito din ay bilang pagsunod sa DOH Department Memorandum 2020-0180.
Magbibigay din ng human resource augmentation ang DOH National at magdedeploy sila ng 19 health personnel sa naturang pasilidad.
Samantala, nagnegatibo naman sa confirmatory test ang 15 samples ng suspected cases sa rehiyon. Ang mga pasyente ay kasalukuyang naka admit iba’t-ibang ospital sa Caraga. (DMNR/PIACaraga)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments