ODIONGAN, Romblon, Hun 1 (PIA) -- Hindi na kailangan ng Home Quarantine Pass (HQP) ng mga residente ng Odiongan simula Hunyo 1, kung saan magsisimulang ipatutupad ang modified general community quarantine (MQCQ).
Sa pahayag ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, sinabi nito na hindi na kailangan ng HQP para lumabas at umikot sa loob ng Odiongan ang mga residente nito.
Bagama't hindi na kailangan ng quarantine pass, hindi aniya ito dahilan upang gumala na lang kung saan-saan ang mga lalabas ng bahay.
Samantala, ang mga papasok sa Odiongan mula sa iba pang bayan sa Romblon ay kailangan pa ring kumuha ng travel pass.
"Para sa mga taga-ibang bayan na nais pumasok sa Odiongan para sa kanilang mga transaksyon: sa Hunyo 1-15 ay kakailanganin pa rin kumuha ng travel pass mula sa inyong munisipyo," pahayag ng alkalde.
Kaya may travel pass pa rin ay dahil kailangan lang medyo makontrol ang bilang ng tao na papasok kasi kapag masyadong marami ang tao ay mahirap mamentena ang social distancing. Dadagdag ang bilang ng allocation para sa bawat bayan kumpara sa GCQ," dagdag pa nito.
Simula bukas ay papayagan na ring magbukas ang iba pang business sa Odiongan katulad ng tourism businesses.
Sinabi ng alkalde na papayagan nang maligo sa mga resorts ang pailan-ilang tao basta masusunod ang physical distancing at iba pang health protocols. (PJF/PIA-Mimaropa)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments