Tara, mag-'virtual tour' muna.

Marahil marami sa atin ang inip na inip na para mamasyal. Pero teka, bawal muna. Mahirap na, hindi natin nakikita ang kalaban – ang kalaban na corona virus disease o mas kilalang COVID-19.  

Photos courtesy of NPDC

Salamat sa teknolohiya at naiibsan ang ating pagka-inip. Kaya habang ang halos lahat sa atin ay “Stay at Home,” sulyapan muli ang ilan sa mga natatanging lugar sa Rizal Park o mas kilala bilang Luneta kasabay na rin ng pagdiriwang ng National Heritage Month. 

In the heart of Manila, sa Luneta makikita ang bantayog ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na dinisenyo ng bati

kang Swiss artist na si Richard Kissling.

Makikita rin sa Luneta Park ang Lights and Sound Complex ang lugar kung saan matatagpuan ang 

 

Pagpapakabayani ni Dr. Jose P. Rizal. Ayon sa National Parks Development Committee (NPDC) sa naturang lugar na ito pinatay si Dr. Rizal. 

Masisilayan din sa Luneta Park ang tinaguriang Japanese Garden kung saan makikita ang isang lagoon at bridge. Ang na turang garden ay itinayo bilang tanda ng pagkakaibigan ng bansang Pilipinas at Japan. Sa isang banda ng Luneta Park ay mabibisita din ang Orchidarium.  

Ilan lamang yan sa mga lugar sa Luneta Park na siguradong miss na miss nyo nang pasyalan. Pero sa ngayon, Bahay Muna. Buhay Muna. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments