Pagdiriwang ng Eid'l Adha, naging marubdob sa kabila ng pandemya

(Screen grabbed mula sa Laging Handa Public Briefing ng PTV4)

LUNGSOD PARAÑAQUE, Agosto 1 (PIA) -- Sa kabila ng limitasyong dulot ng pandemyang  bunsod ng COVID-19 naging marubdob ang pagdiriwang ng Eid'l Adha ng mga kapatid na Muslim kahapon. araw sa kabila ng ilang limitasyong dulot ng pandemya ng novel coronavirus (COVID-19), ayon sa i

Sa panayam kay Propesor Julkipli Wadi, propesor sa Institute of Islamic Studies,  Unibersidad ng Pilipinas, mahalaga ang pagdiriwang dahil ito ay isa sa dalawang mahahalagang okasyon na mayroon ang Islam na ginugunita ng lahat ng Muslim sa buong mundo.  

Ginugunita sa Eid’l Adha ang pagsunod ni Ibrahim sa kautusan ni Allah na kanyang isakripisyo ang kanyang anak.  

Sinabi ni Wadi na ang Eid'l Adha ay isang okasyon kung kailan  nagaganap ang Hajj, kung saan nagtutungo ang mga naniniwala sa Islam sa Kaaba na nasa loob ng Mecca sa Saudi Arabia.

“Ito rin ang panahon kung saan mayroong Hajj, ito yung pilgrimage sa na ginagawa ng ating mga kapatid na muslim dahil ang Hajj ay isa sa pillars ng Islam,” ayon kay Wadi. 

“Bagama't medyo malungkod dahil suspended ang Hajj ngayon sa iba’t ibang bansa, hindi pwedeng pumasok yung pilgrims from other countries, kasama na diyan ang Pilipinas, bagama't mayron namang ginagawang Hajj sa ngayon pero limitado yung number sa Saudi Arabia,” Ani  ni Wadi. 

Anang propesor, mayroong 3.5 milyong Muslim mula sa iba't ibang panig ng mundo ang taon-taong pumupunta sa Saudi Arabia para sa Hajj. Dahil sa COVID-19 ipinagbabawal ang mass congregation sa kanikanilang tahanan na lamang ginawa ang Eid’l Adha prayer upang maiwasan ang paglaganap ng virus.  

“Tulad nito na may pandemya, 'di naman obligasyon talaga na magdasal sa Masjid o sa Mosque pwedeng magdasal sa bahay, kasama ang ating pamilya, bagama't yun parte nung sinasabing Fard o yung obligation hindi na kasing lebel 'yung gagawin in a religious congregation," kanyang idinagdag. 

Magugunitang naunang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 985, na ang Hulyo 31 taong 2020 ay isang regular na holiday bilang paggunita sa Eid’l Adha. (PIA-NCR) 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments