15 karagdagang ruta para sa PUJs  bubuksan ng LTFRB, sa oras na ibalik sa GCQ ang Metro Manila 

LUNGSOD CALOOCAN, Agosto 12 (PIA) --Muling magbubukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang 15  ruta para sa  tradisyonal na Public Utility Jeepneys (PUJs) oras na ibalik sa General Community Quarantine ang Metro Manila.

Matatandaang inaprubahan ng ahensya ang Memorandum Circular No. 2020-029A noong 31 Hulyo 2020 kung saan nakasaad ang mga karagdagang ruta na bubuksan para sa 968 traditional PUJ na nakatakda sana noong  Agosto 5, 2020.

Subalit, dahil sa pagpapatupad ng MECQ sa Metro Manila noong Agosto 4, na tatagal hanggang Agosto 18, ipinagpaliban muna ang pagpapatupad nito.

Base sa MC 2020-029A, pwedeng bumiyahe ang mga tradisyonal na PUJs sa mga rutang nakasaad sa MC nang walang Special Permit.

Kapalit ng Special Permit  ang QR Code na ibibigay sa bawat operator bago pumasada. Ang QR Code ay dapat naka-print sa short bond paper at naka-display sa PUJ unit. Maaari itong i-download QR Code mula sa website ng LTFRB na nasa link na ito: https://ift.tt/33Pe5ZA

Pinapaalala naman ng ahensya na walang taas-pasahe na ipapatupad maliban na lang kung may ianunsyo ang LTFRB. Sa ngayon, nasa P9.00 ang unang apat (4) na kilometro at P1.50 sa mga susunod na kilometro ang pasahe sa Traditional PUJ.

Bukod pa sa mga ito, kinakailangan na naka-register sa Land Transportation Office (LTO) ang PUJ unit bilang roadworthy o akma sa pagbiyahe sa kalsada, at mayroong valid Personal Passenger Insurance Policy.

Kabilang din sa mga requirements para mag-operate ang Traditional PUJs ay ang pagsunod sa safety measures alinsunod sa mga alintuntunin ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) tulad ng pagsuri sa body temperature, pagsusuot ng face mask, pagtupad sa Social Distancing Guidelines, at ang pag-operate ng 50% maximum passenger capacity ng PUJ.

Dagdag pa riyan ang pagsunod sa utos ng Department of Transportation (DOTr) na pagsusuot ng face shield ng draybers, konduktor, at commuters sa mga pampublikong sasakyan na magiging epektibo mula 15 Agosto 2020.

Bubuksan ang mga sumusunod na ruta na kabilang na sa Annex A ng MC 2020-029A:

T115 Malabon - Monumento via Acacia

T116 Cielito- Novaliches via Zabarte

T117 Novaliches - Deparo via Susano

T118 SM Fairview - Lagro Subd. Loop

T119 Meycauayan, Bulacan - Bignay

T120 Pantranco - Project 8 via Roosevelt

T217 Forbes Park - Pasay Rd. via Ayala Commercial Center

T218 Pasig - Taguig via Maestrang Pinang, Tipas

T219 Marikina - Paenaan

T220 Katipunan - Marcos Ave/Tandang Sora

T347 Cabrera - Libertad

T348 Arroceros - Cubao via España

T349 Quiapo (Barbossa) - Santol, Sta. Mesa

T350 Dagat-dagatan - Delpan via Divisoria

T351 Quiapo - San Miguel via Palanca

Sakaling matuloy ang pagpapatupad ng mga bagong ruta, mahigpit ang paalala ng LTFRB sa mga drayber at operators ng mga tradisyunal na PUJs na sundin ang mga patakaran ng ahensya, kabilang ang mga health and safety protocols.

Ayon sa LTFRB, sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa at multa, at maaaring tanggalan ng Certificate of Public Convenience (CPC) o Provisional Authority (PA). (LTFRB/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments