Delivery Boy na may Sirang Sapatos, Nakatanggap ng 'Surprise Package' kay Customer

Photo credit to Rachel Julian's Facebook account
Sa panahon ngayon na sumasailalim ang buong mundo sa problemang dulot ng Coronavirus disease o COVID-19, nakakatuwang makarinig at makabasa ng magagandang balita kung saan makikita ang bayanihan ng mga Pilipino.

Kabi-kabila ang mga istorya ng pagtutulungan, na nagpapatunay na marami pa din ang mayroong busilak na kalooban na handang magbahagi ng tulong sa mga nangangailangan.


Tulad na lamang ng kwentong ito ng isang netizen na si Rachel Julian, na sa simpleng pagtulong sa kapwa ay sadyang hinangaan ng marami.

Kwento ni Rachel, sobrang naawa siya sa nag-pick up ng cat food na pinadeliver niya sa alagang pusa nila ng kasintahan.

Photo credit to Rachel Julian's Facebook account

Photo credit to Rachel Julian's Facebook account
Ang dahilan, sira-sira na diumano ang sapatos ni kuya delivery boy, at sadyang nahabag siya ng nakita ito. Kaya naman tinawagan niya ang kasintahan at kinwento ang nakita. Agad namang sinabi ng kanyang kasintahan na pagdating ni kuya delivery boy ay bibigyan niya ito ng sapatos, hindi man bago ngunit malaking tulong upang maging mas komportable si kuya sa trabaho nito.


"Nung dumating si kuya Reynaldo, medyo naglakad pa ko para ihatid sa kaniya yung items, napansin ko agad yung shoes niya na sira sira.", kwento ni Rachel.

"Eto yung shoes ni kuya, kapag gumagalaw siya parang may pakpak yung sapatos sa gilid at nakanganga na din.", dagdag niya.

Photo credit to Rachel Julian's Facebook account
Narito ang buong kwento ni Rachel at ng kasintahang si Gab:

"Nag order ako ng cat food para sa alaga namin parehas, actually kahapon pa to nadeliver. Since nakaquarantine buong Metro Manila, di naman namin alam parehas ni Gab pano ko mabibigay sakaniya yung food ni Zac lalo na wala nang stock si Zac. Nag try kami mag book sa iba't ibang app. Ilang oras na, walang tumatanggap. Until sa Lalamove after ilang try may tumanggap pickup sa Pansol then deliver sa Caloocan.

EDITED: 8:35 PM!! Nagtext yung anak ni kuya Reynaldo sakin. (see last photo)

Caption sa bawat photo."


Photo credit to Rachel Julian's Facebook account

"At ayun nga, wala pang 1 hour nadeliver na agad ni kuya yung items and gulat na gulat siya na may package rin si Gab para sakaniya.

Sinukat niya yung shoes at kasya sakaniya. sabi pa ni kuya "Naku sir, totoo po ba to? Totoo po to?"

Nag leave kami ng feedback sayo kuya Reynaldo pero gusto uli namin magpasalamat ni Gab na kahit ganito sitwasyon at kahit alam ko mahirap magmotor ng di maayos ang suot sa paa eh patuloy ka parin naghahanapbuhay at nakakatulong sa aming mga customers niyo. Salute to kuya Reynaldo. God bless you and your family!

Kitang kita sa picture yung tuwa ni kuya at sobrang nakakataba ng puso.

PS. Hi din, Gab! Gusto ko din malaman mo na sobrang proud ako sayo at alam kong napakabusilak ng puso mo."



Photo credit to Rachel Julian's Facebook account

"Lesson learned: appreciate EVERY little thing na meron tayo at wag maghanap ng wala o higit.
Minsan kung ano pa yung napakaliit na bagay para sa atin o nagagawa natin, yun pa yung nagmamarka at napakalaking bagay sa ibang tao.

My heart is so full!!!"


SourceRachel Julian

Source: Daily Sentry

Post a Comment

0 Comments