Eric Fructuoso | Photo credit to his Instagram account |
Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa dulot ng pandemyang hatid ng COVID-19, marami ang nawalan ng pagkakakitaan sa buhay.
Iba't ibang industriya ang pansamantalang natigil dahil sa quarantine protocols na ipinatupad ng gobyerno upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Kabilang na rito ang entertainment industry kung saan karamihan sa mga artista, mang-aawit, mananayaw at iba pang 'performers' ay pansamantalang namahinga sa kanilang trabaho.
Kaya naman, sadyang nakakabilib ang ibang artista na kahit sa ibang paraan ay ipinagpatuloy pa din ang pagsusumikap sa buhay para sa kanilang mga pamilya.
Isa na dito ay ang aktor at Gwapings member na si Eric Fructuoso, na pinili raw munang “mamasada” ng tricycle bilang kabuhayan.
Eric Fructuoso | Photo credit to the owner
|
"Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang ng tirahin!" ani Fructuoso
Sadyang namang nag-viral ang post na ito ng aktor at umani ng maraming komento at paghanga sa kanya.
Comments from Netizens | Credit to Fructuoso's Instagram account
|
Matatandaang sumikat ang grupong 'Gwapings' nila Fructuoso noong dekada nobenta sa isang sikat na sitcom na ipinalabas sa ABS-CBN, ang 'Palibhasa Lalake'. Kasama ni Fructuoso sa grupo sina Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana.
Source: Instagram / eric.fructuoso
Source: Instagram / eric.fructuoso
Source: Daily Sentry
0 Comments