Pagbili ng cellphone ng hikahos na ina para sa online learning ng anak, umantig sa netizens

 


Umantig sa puso ng marami ang masayang tagpo ng mag-ina na nakunan pa ng larawan ng isang lalaking nakasabay nila sa mall.

Agad na kumalat sa social media ang Facebook post ni Mico Tan matapos nyang ibahagi ang mga nakatutuwang larawan ng mag-ina sa labas ng mall.


Makikita sa mga litrato ang walang katumbas na kaligayahan ng naturang nanay habang binubuksan ng kanyang anak ang bagong bili nyang cellphone.

Ayon sa photo uploader, nakita nya ang mag-ina sa mall habang nag-aantay ng kanyang order.

"Kanina nasa sm munti ako nag aabang ng order. Tapos nakita ko sila, binilihan ni nanay yung anak nya ng cellphone." saad ni Mico sa caption.

Kwento pa nya, labis umano ang tuwa ng bata ng mabilhan sya ng nasabing gadget.

"Tuwang tuwa yung bata e. Napaka simple lang. Ready for online class na sya hehehe. A mother's love." aniya.

Na-feature ng News5 Facebook page ang post ni  Mico.

Sa caption, idinetalye nitong nag-tatrabaho sa palengke ang nanay ng bata na bumili ng cellphone para sa pag-aaral ng kanyang anak.

 

Dahil sa pandemya, hindi muna makababalik sa eskwelahan ang mga estudyante para maiwasan ang hawaan ng sakit.

Bunsod nito, online learning ang isa sa mga nakikitang paraan ng mga eksperto para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata kahit na papaano. Subalit tutol ang ilan dito sapagkat maraming kapos na mag-aaral ang mapag-iiwanan dahil sa kawalan ng pambili ng gadgets na kakailanganin para rito.


Sa naganap na press briefing kamakailan lamang, sumang-ayon si Pangulong Duterte kay DepEd Secretary Leonor Briones sa mungkahi nitong ipagpatuloy ang pag-aaral gamit ang iba't-ibang pamamaraan ng komunikasyon gaya ng radyo. TV, at ang kontrobersyal na online learning.


Source: Daily Sentry

Post a Comment

0 Comments