Pagsusulong ng Plant, Plant, Plant program, pinaigting ng DA

Kasamang nagsulong ng Plant, Plant, Plant program ang aktor na si James Reid, ang bagong-talagang Philippine ambassador for Food Security sa ginanap na paglulunsad ng programa sa Department of Agriculture Central Office sa Lungsod Quezon. (PIA file photo)

LUNGSOD PASIG, Agosto 7 (PIA) -- Maigting na na isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang "Plant, Plant, Plant" program upang matiyak ang "national food security" o  sapat na pagkain ang bansa. 

Sa ginanap na Network Briefing noong Huwebes, ibinahagi ni Agriculture Secretary William Dar na patuloy ang ahensya sa pagsusulong ng naturang programa lalo na ngayong dumaranas di lamang ang Pilipinas, maging ibang bansa, ng pandemya.

Aniya, mahalagang mapanatili ang magandang kalusugan ng bawat Filipino laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat at abot kamay na masusustansiyang pagkain.

Samantala, masaya namang ibinahagi ni Dar na kahit sa gitna ng pandemya ay tumaas ng 0.5 percent ang naitala sa agriculture sector sa second quarter ng 2020 batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Kasama rito sa paglago ng agrikultura ang produksyon ng mga pananim at pangingisda.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Dar sa mga magsasaka at mangingisda na patuloy na nagtrabaho upang masiguro na mayroon tayong sapat na suplay pagkain sa gitna ng COVID-19 pandemic. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments