Tagalog News: Grupo ng mga negosyante sa Caraga, namigay ng PPE para sa mga frontliners 

LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 17 (PIA) - Tumanggap ng mga personal protective equipment (PPE) ang mga kawani ng Overseas Wokers Welfare Administration (OWWA) sa Caraga region.

Malimit kasi silang exposed sa mga sinasalubong na mga locally stranded individuals (LSIs) at mga returning overseas Filipinos (ROFs). Ang OWWA ay isa lamang sa mga ahensiyang tumanggap ng ayuda mula sa grupo ng mga negosyante.

“Pasalamat kami sa Agusan Filipino-Chinese Chamber of Commerce Incorporated dahil part ng kanilang corporate social responsibility ang pagbibigay ng face masks. Ang mga face masks na ito ay hindi lang para sa amin. Nirerepack namin ito at part ito sa food packs para sa mga ROFs," ani ni OWWA-Caraga regional director Irene Cambaling.

May pabaon pang food packs sa mga LSIs at ROFs bago umuwi sa kani-kanilang lalawigan.

Matumal man ang kita ngayong may pandemya, umaasa pa rin ang mga negosyante sa Caraga region na makakabangon din ang business sector at uunlad pa ang ekonomiya.

“Kapag siguro may vaccine na laban COVID-19, mas makakaplano na kami at makaka-expand ng aming mga negosyo,” pahayag ni Joey Tan, presidente ng Agusan Filipino-Chinese Chamber of Commerce Incorporated. (JPG/PIA-Caraga)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments