Reflectorized vests, ipinamahagi sa bicycle, motor riders

Kuha mula sa MMDA

LUNGSOD PASIG, Set. 9 (PIA) -- Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Grand Lodge of the Philippines (Freemasonry), at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang pamamahagi ng mga reflectorized vests. 

Mahigit 900 reflectorized vests ang naipamahagi kamakailan sa mga siklista at mga nagmomotorsiklo bilang bahagi ng “Maging Ligtas” program ng grupo.

Ayon sa MMDA, layunin ng naturang programa na bigyang prayoridad ang kaligtasan ng mga bicycle at motorcycle riders sa pamamagitan ng paniniguro ng visibility sa daan.

Ang MMDA ang katuwang ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa paglalagay ng mga protected bike lanes sa Metro Manila.

Kamakailan, nagpahayag din ng suporta ang DILG sa pagbibisekleta bilang isang alternatibong transportasyon sa Metro Manila.

Nakita rin na nakatutulong ang cycling sa pagpapanatili ng malinis na hangin at nakapagbibigay ng ehersisyo sa katawan.

Bukod pa rito, nabibigyang halaga rin nito ang ipinatutupad na physical distancing sa mga tao upang makaiwas sa COVID-19. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments