ODIONGAN, Romblon, Setyembre 4 (PIA) -- Bilang ambag ng Department of Public Works and Highways - District Engineering Office Romblon (DPWH-Romblon) sa kalikasan, aabot sa 4,000 na puno ng Narra ang kanilang itinanim kamakailan sa isang bundok sa Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.
Sa pakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Lokal na pamahalaan ng bayan ng Looc, naisagawa ang nasabing aktibidad na layuning makatulong sa para mabawasan ang nararanasang global warming ng mundo.
Nakiisa sa nasabing aktibidad ang aabot sa mahigit 300 na kawani ng DPWH, gayundin ang ilang opisyal ng gobyerno, sa pangunguna ni Congressman Eleandro Madrona, Governor Jose Riano at Looc Mayor Lissete Arboleda.
Nakiisa rin ang mga uniformed personel at ilang mga frontliners sa nasabing pagtatanim ng mga puno sa nabanggit na lugar.
Ayon kay District Engineer Napoleon Famadico, ang aktbidad na ito ay bahagi rin ng pagdiriwang ng ahensya sa Civil Service Month ngayong Setyembre. (PJF/PIA-Mimaropa)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments