PARAÑAQUE CITY, Oct. 1 (PIA) -- Nakatanggap ang Parañaque City Government ng donasyon na mga laptop mula sa pamunuan ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) nitong Huwebes.
Malugod na tinanggap ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang 37 units na laptop sa ibinigay ng CAVITEX sa isang simpleng seremonya na naganap sa Parañaque City Hall.
Kasama sa seremony sina Vice-Mayor Rico Golez, Congressman Eric L. Olivarez, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Olivarez, ang mga laptop ay ibibigay sa Parañaque City College na kasalukuyang ganagamit bilang isang COVID-19 Quarantine Facility.
Nagpasalamat si Olivarez sa CAVITEX at sa mga patuloy na pagbibigay suporta nito sa lokal na pamahalaan. (PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments