Pasig City, nasungkit ang Gold Award bilang ‘Bike-Friendly City’

LUNGSOD PASIG, Okt. 30 (PIA) -- Nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang Gold Award bilang isa sa pinaka "bike-friendly" city sa Metro Manila sa ginanap na Mobility Awards. 

Photo courtesy of Pasig Transport

Ayon sa pamahalaang lungsod, 12 na lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR) ang naglaban para sa parangal na ito. Nakapagtala ang Pasig City ng pinakamataas na score (83%), na sinundan naman ng isa pang Gold Awardee, San Juan City (76%), at Silver Awardee, Marikina City (71%).

Gayundin, nakakuha rin ng Gold Award ang Pasig Transport bilang isa sa pinaka Bike-Friendly Work Place sa NCR.

Sa kategoryang ito, 35 na work places ang nagtunggali para sa nasabing titulo na pinangunahan ng Pasig Transport (81%) at sinundan ng GSIS at The Medical City-Ortigas (parehong 80%).

Para matukoy ang mga nanalo, tiningnan ng Mobility Awards ang sumusunod na criteria:

Bike-Friendly City:

(a) INFRASTRUCTURE o pagkakaroon ng imprastraktura para sa mga nagbibisikleta;

(b) INTEGRATION o pagkakaroon ng iba't ibang programa at polisiya para maisulong ang pagbibisikleta at kapakanan ng mga nagbibisikleta sa lungsod; at

(c) IMPLEMENTATION o pagpapatupad ng mga nasabing programa at polisiya at pagkakaroon ng advisory committee at monitoring system para rito.

Bike-Friendly Work Place:

(a) INFRASTRUCTURE o bilang ng mga pasilidad para sa mga nagbibisikleta, kabilang na ang ligtas na parking para sa mga ito; at

(b) INTEGRATION o pagkakaroon ng insentibo, polisiya, at programa na nagsusulong ng pagbibisikleta sa lugar ng trabaho. 

Ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pamamagitan ng Pasig Transport, ay aktibo sa pagtataguyod ng paggamit ng bisekleta bilang alternatibong transportasyon lalo na sa panahon ngayong limitado pa rin ang mga pampublikong transportasyon. Sinisiguro rin ng pamahalaang lungsod ang kaligatasan ng mga nagbibisekleta sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bike lanes at bike racks. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments