LUNGSOD CALOOCAN, Okt. 23 (PIA) -- Ipinatutupad na sa Lungsod ng Caloocan ang mas pinaikling curfew hours na mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng umaga.
Ayon sa Facebook post ni Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan, ito ay batay sa Executive Order No. 41 na kanyang nilagdaan, alinsunod sa napagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC) at ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa kanilang pulong noong Linggo.
Nilinaw naman ni Malapitan na hindi pa rin maaaring lumabas ng bahay ang mga menor de edad o mga kabataan na 17 anyos pababa at mga senior citizen na may edad 66 anyos pataas.
Layon ng naturang direktiba na patuloy na mapangalagaan ang kapakanan ng mga kabataan at epektibong maiwasan ang banta ng COVID-19. (PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

0 Comments