Kooperasyon ng publiko, hiningi ng Malacañang ngayong apektado ang bansa ng Bagyong Rolly

LUNGSOD CALOOCAN, Nob. 1 (PIA) -- Hiniling ng Malacañang sa publiko nitong Sabado na makipagtulungan sa mga awtoridad at sa pamahalaan kaugnay ng mga ginagawa nitong hakbang upang mapangalagaan ang buhay sa gitna ng paghagupit ng Bagyong Rolly sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, mahalagang sundin ang direktiba ng mga awtoridad upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng operasyon ng lokal at nasyunal na pamahalaan ngayong merong kalamidad.

Ani Andanar, kailangan ang pagtalima sa kautusan ng pamahalaanng at ng pakikipagtulungan para sa agarang pagpapalikas ng mga taong "at risk" sa gitna ng peligrong nakaamba dulot ng landslides, pagbaha, at mga storm surges.

Patuloy din aniya ang kanilang panalangin na wala sanang maitalang anomang casualties lalo na sa mga lugar na apektadong daraanan ng bagyo.

Dagdag ni Andanar na sa ganitong mga pagkakataon ay mabuhay sana ang katatagan ng bawat Filipino na naipakita na naman sa mga nagdaan nang kalamidad at delubyo. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments