LUNGSOD PASIG, Nob. 6 (PIA) -- Pinulong ng punong lungsod ng Marikina, Marcy Teodoro nitong Huwebes ang 52 karagdagang contact tracers matapos mag courtesy call ang mga ito sa kanya.
Ayon kay Teodoro, malaki ang maitutulong ng mga ito higit pang mabababa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ipinakilala kay Mayor Marcy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Marikina OIC Director Alona Raymundo ang mga bagong contact tracers na augmentation para sa naunang batch na naunang ini-assign sa lungsod.
Payo ng alkalde sa mga bagong talagang contact tracers, kailangan ng dedikasyon at pagsasapuso sa napakadakilang tungkuling masugpo ang mapanganib na virus.
Magugunitang simula nitong Setyembre, ang DILG ay nag-hire ng 50,000 na mga karagdagang contact tracers sa ilalim ng Bayanihan 2 Act bilang tugon upang mapigilan ang paglaganap ng sakit na COVID-19.
Ang Kamaynilaan ang nabigyan ng pinakamaraming alokasyon ng contact tracer dahil sa mataas na bilang ng mga nahawa ng COVID-19. (PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments