Marikina City, nagdeklara ng 'state of calamity'

LUNGSOD PASIG, Nob. 14 (PIA) --Nagdeklara ng state of calamity ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina dahil sa malaking pinsalang tinamo nito dulot ng bagyong Ulysses noong nakaraang Huwebes.

Ayon sa panayam kay Mayor Marcelino Teodoro sa radyo Pilipinas, sinabi nitong mahihirapan subalit pipiliting makabangon muli  ng mga mamamayan ng lungsod  sa tinamong pinsala sa buhay at ari arian. 

Isa ang Marikina sa mga lungsod sa Metro Manila na mariing tinamaan ng hagupit ng bagyong Ulysses. Ayon sa alkalde, aabot sa P10 bilyong imprastruktura at P30-40 bilyon na merchandise and livelihood, ang tinatayang napinsala sa lungsod.

Ayon kay Teodoro, sa kasalukuyan ay nagsasagawa  na ang lokal na pamahalaan ng clearing operations at unti unti na rin sisimulan ang rehabilitasyon ng mga nasirang imprastraktura upang maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Marikina.

Sa ginawang inspeksyon ng alkalde, Sabado ng umaga, sina bi nito  sa pagpana sa pagpasok pa  lamang sa Riverside Street, na bahagi ng Providence Village ay kita na ang pinsala ng Bagyong Ulysses, tulad ngmga sasakyang tinangay ng mataas at rumaragasang tubig.

Tinungo rin ni Teodoro ang Barangay TaƱong. kung saan mayroong dike, na dapat ay nagbibigay proteksyon kapag tumaas ang tubig mula sa Marikina River,  subalit  nasira ang bahagi nito  dahil sa  malakas na pwersa ng rumaragasang tubig.

Sa pagtaya ni Teodoro aabot sa 30,000 hanggang 40,000 pamilya ang naapektuhan ng bagyong Ulysses.

Kaugnay nito, iniulat din na nagbigay na si Labor Secretary Silvestre Bello III, ang itinalagang 'big brother' ng Marikina, ng funding para sa emergency employment program para sa mga mamamayan ng lungsod.(PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments