BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Nov. 3 (PIA) – Masayang ibinahagi ni Solano Mayor Eufemia Dacayo na mula sa 273 na mga nagpositibong kaso sa kanilang bayan ay apat na lang ang natitirang aktibong kaso.
Aniya, sa 273 na kaso ay 261 na rito ang nakarekober mula sa COVID-19.
Dagdag ng alkalde na dalangin nila na ang natitirang apat na aktibong kaso ay makarekober na rin upang muling maging COVID-19-positive-free ang Solano.
“I ask for your patience and understanding, your LGU is continuously striving hard to make Solano COVID-19-free,”aniya.
Nagpasalamat naman si Dacayo sa mga stakeholder kagaya ng Department of Healath, Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya, ibat ibang ahensiya ng gobyerno, mga private na indibidwal sa kanilang mga tulong upang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa naturang bayan.
“Kaya natin ito. Basta tayo ay sama-sama, magtulungan. Sundin lang natin ang health protocols para ang bawat pamilya dito sa Solano ay laging ligtas,” Dagdag ni Dacayo. (MDCT/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments