Solano, may 4 COVID-19 cases na lamang

SOLANO, Nueva Vizcaya, Nobyembre  3(PIA) - Nasa apat na kaso na lamang ang hinaharap na COVID-19 cases ang bayang ito dahil sa epektibong pagpapalaganap ng mga alituntunin upang maiwasan ang paglaganap ng virus.

Ayon kay Mayor Eufemia Dacayo, bumaba na sa 4 mula sa 273 na COVID-19 cases ang kanilang hinaharap dahil sa pagsasagawa ng agresibong swab o mass testing sa mga barangay na apektado ng COVID-19.

Aniya, sumailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang bayan noong buwan ng Setyembre dahil sa paglaganap ng COVID-19 transmission sa bayan.

"Ang agresibong swab testing sa mga apektadong barangay at lugar ay aming ginawa sa pakikipagtulungan sa DEpartment of Health(DOH) upang matuntun ang mga naapeltuhan ng virus at mabigyan ng karampatang lunas," pahayag ni Dacayo.

Dagdag pa nito na binawalan din nila ang mga mamimili at vendors mula sa ibang bayan upang mapigilan ang hawaan ng COVID-19 sa bayan.

Ani Dacayo, malaki rin ang naging epekto ng kooperasyon at suporta ng mga mamamayan upang maibaba ang COVID-19 cases sa bayan.

Ayon pa sa kanya, naging strikto ang pagpapalaganap ng mga checkpoints sa mga barangay kaya't naiwasan ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at napigilan ang paglala nito.

Dagdag nito na nabigyan din nila ng mga tulong ang mga apektadong mamamayan ng bayan mula sa tulong ng ibang LGUs at private donors.

Pahayag ito ni Mayor Dacayo sa Network Briefing Program ni Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office kaninang umaga.(MDCT/BME/PIA - 2/ Nueva Vizcaya)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments