
ODIONGAN, Romblon, Nob. 8 (PIA) -- Naihatid na ngayong Sabado ang Sea Ambulance na kaloob ng lokal na pamahalaan ng probinsya ng Romblon sa lokal na pamahalaan ng Corcuera sa Simara Island, Romblon.
Lulan nito ang escort nurse at driver na magdadala ng land ambulance ng bayan na nakahimpil sa bayan ng Calatrava.
Ang nasabing sea ambulance ay bahagi ng Health program ni Governor Jose Riano.
Sagot ito sa matagal nang hinaing ng mga residente ng bayan dahil hirap sila sa pagdadala ng pasyente mula sa Maghali District Hospital patungo sa Provincial Hospital na matatagpuan pa sa Odiongan, katabing isla ng Simara.
Matatandaang nauna nang nabigyan ng sea ambulance nitong nakalipas na mga buwan ang ibang island municipalities sa probinsya. (PJF/PIA-Mimaropa)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments