McDonald’s House of Charities namahagi ng Happy Meal box sa Marikina

PASIG CITY, Dis. 19 (PIA) -- Namahagi ang McDonald’s House of Charities (RHMC) ng mga Happy Meal Box sa Marikina City.

Personal na tinanggap ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang mga laruan na nasa loob Happy Meal Box.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga laruan ay ipamimigay sa mga batang nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Samantala, ayon sa pamunuan ng McDonald’s, sa bawat Happy Meal na nabibili, 50 sentimo dito ay napupunta sa kanilang charity.

Kasama rin sa mga dumalo ang mga opisyales ng Lungsod Marikina. Nasa pagtitipon rin sina Ms. Marie Angeles, RMHC Executive Director, Kat Jaime, McDonald's Philippines Senior Brand Manager, Ferlon Manalad, McDonald's Philippines Senior Real Estate Manager, at Angela Miravite, McDonald's Philippines Assistant Brand Manager.

Matatandaan nitong Nobyembre, ang lungsod ng Marikina ay isa sa mga matinding naapektuhan ng Bagyong Ulysses na nagdulot ng matinding pagbaha sa siyudad. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments