Tagalog News: Odiongan LGU, nagsagawa ng integrated program para sa mga PWD

Sa loob ng limang araw na programa ay iba't ibang forum ang isinagawa katulad nalamang sa kung paano magkakaroon ng 'support group' sa isang pamilya at pagkakaroon ng tamang pamamaraan sa pag-alaga sa mga batang may celebral palsy. (Larawan mula sa Odiongan PIO)

ODIONGAN, Romblon, Dec. 5 (PIA) -- Nagsagawa ng limang araw na intergrated program ang lokal na pamahalaan ng Odiongan para sa mga Persons with Disability (PWD) at sa magulang na may inaalaagaan na PWD noong Nobyembre 23-27.

Ito ay sa pangunguna ng Persons with Disability Affair's office ng munisipyo.

Sa loob ng limang araw na programa ay iba't ibang forum ang isinagawa katulad na lamang sa kung paano magkakaroon ng 'support group' sa isang pamilya at pagkakaroon ng tamang pamamaraan sa pag-alaga sa mga batang may celebral palsy.

Ang mga magulang na may anak na may celebral palsy at iba pang sakit ay sumailalim rin sa pagsasanay at pag-uusap patungkol sa medikasyon at therapy ng mga bata.

Inaasahang magiging malaking tulong ang mga pagsasanay na ito para sa mga magulang na mabigyan ng tamang gabay at pag-aalaga ang kanilang mga anak na may espesyal na pangangailangan.

Nagsagawa rin ng leadership training workshop para sa mga PWD at kung paano magpasa ng proposal sa kanilang mga naiisip na proyekto o sisimulang negosyo pantulong sa kanilang pamilya. (PJF/PIA-Mimaropa)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments