PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis. 31 (PIA) -- Nagdaos ng iba’t ibang aktibidad ang Palawan Provincial Police Office (PPO) kamakailan sa Barangay Tinitian, bayan ng Roxas, Palawan.
Ang mga gawain ay bahagi ng programang ‘Rektang Bayanihan’ at ‘Adopt a Family’ ng pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaang nasyunal at maging ang lokal na pamahalaan.
Layon nito na maipaabot ang serbisyo ng Pambansang Pulisya hanggang sa mga pamayanang nasa liblib na lugar.
Katuwang ang mga nakatalagang sundalo sa lugar at ilang lokal na opisyal sa nasabing bayan, namahagi ng munting regalo bilang pamaskong handog ang mga ito sa mga nakiisang residente ng naturang barangay.
Kasabay nito, binigyang-diin din ng pulisya at opisyal ng Sangguniang Bayan ang pagpapalaganap ng kampanya laban sa armadong pakikibaka ng rebeldeng New People’s Army (NPA). (LBD/PIAMIMAROPA)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments