LUNGSOD QUEZON, Enero 31 (PIA) -- Mayroong 2,183 o 61-porsyento ng kabuuang 3,589 respondents (tagatugon) sa Lunsod Muntinlupa ang payag magpabakuna, ayon sa pinakahuling datos ng lokal na pamahalaan.
Lubhang mataas pa rin ito kumpara sa kamakailang survey ng OCTA Research Group sa buong Metro Manila kung saan nasa halos 25-porsyento lamang ang kumbinsido na magpaturok ng naturang bakuna.
Lumitaw din sa datos na nasa 680 ang sumagot na hindi sila payag magpabakuna, at 726 naman ang hindi naiulat.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ay nagsasagawa ng survey sa mga residente nito upang malaman kung payag silang tumanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Kasama din sa inaalam ang brand na nais nilang tanggapin, at mga rason kung bakit ayaw nilang magpabakuna. (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments