600 batang Pasig tumanggap ng vitamins, laruan

LUNGSOD PASIG, Enero 2 (PIA) -- Umabot sa 600 na mga batang residente ng Barangay Kapasigan sa lungsod ang nakatanggap ng vitamins at mga laruan mula sa lokal na pamahalaan ng barangay.

Inihatid na lamang ang mga naturang ayuda sa mga tahanan ng mga bata upang hindi na sila lumabas pa dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

Nagpasalamat naman si Kapitan Bien Paul Legaspi sa Popeyes Arcovia na siyang nag-sponsor ng ipinamahaging chicken burgers.

Ang Popeyes ay isang kilalang kainan na nagsimula sa bansang Estados Unidos.

Pinangunahan naman nina Kapitana Jenifer Popot Marcelo at Secretary May De Leon ang distribusyon nito, kasama ang mga Kapasigan Office Staff at Kapasigan Security Force. (PIA NCR)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments