Tagalog News: Marikina LGU, patuloy ang pagbibigay paalala laban sa COVID-19

LUNGSOD MARIKINA, Marso 13 (PIA) -- Patuloy ang pagbibigay paalala ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa mga residente, lalo na sa bawat pamilya, na posible ang pagkahawa sa COVID-19 sa loob ng tahanan.

Ayon sa pamahalaang lungsod, mahalagang iwasan ang hawaan sa pamilya kaya naman panawagan na gawing ligtas ang bawat tahanan sa pamamagitan ng mga sumusunod na paalala:

  • Huwag balewalain ang sintomas ng COVID-19
  • Sundin ang quarantine protocols
  • Iwasang mag dine-in sa mga kainan/cafĂ©
  • Iwasan ang selebrasyon, inuman at pagtambay
  • Iwasan ang pulutong ng mga tao
  • Huwag huhubarin ang face mask kapag nakikipagusap at panatilihin ang 2-metrong distansya
  • Iwasang magpapasok ng mga bisita sa bahay
  • Palaging maghugas ng kamay

Ayon naman sa mga health expert, ganap na nakakahawa ang COVID-19 at pinakamalapit ang panganib ng impeksyon sa mga taong kasama sa bahay.

Dahil dito, inirerekomenda ng mga otoridad ang pagsusuot din ng facemask sa loob ng bahay upang makaiwas sa pagkahawa.

Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa Marikina COVID-19 call center hotline numbers: 09266263695, 09274566682, 09614703226, at 09614703227. (PIA NCR) 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments