Tagalog News: Vaccination roll-out ng AstraZenica sa Marinduque, hiniling na suportahan

Sinusuri nina Dr. Gerardo Caballes at ng iba pang tauhan ng Provincial Health Office ang pakete ng AstraZeneca na dumating noong Marso 13.  (Larawan ni Anthony Zoleta, OCD Marinduque)

LUNSOD QUEZON, Mar. 15 (PIA) -- Muling hinimok ng mga awtoridad ang mga health care workers sa Marinduque na suportahan ang pagbabakuna kontra Covid-19 gamit ang bakunang AstraZenica.

“Ako personally, yung data hawak-hawak ko, yung benefits (AstraZeneca) outweighs the risks o adverse effects (matimbang ang benepisyo ng bakuna kontra Covid 19 kumpara sa mga side effects),” ayon kay Provincial Health Officer Gerardo O. Caballes.

Si Dr Caballes ay isa sa mga unang nabakunahan ng Sinovac. 

“(May) kaunting pain (kirot) sa vaccination site (kung saan siya tinurukan), naranasan apat hanggang anim na oras pagkatapos na mabakunahan ng Sinovac. Gone on the second day (nawala noong sumunod na araw),” sabi ni Dr. Caballes.

“Hanggang nakaraang Biyernes (Marso 12), naka-schedule ang roll out ng Astra ngayong Lunes sa DRPH (Damian Reyes Provincial Hospital),” sabi ni Dr. Caballes.  Dagdag din nito,  kung may sosobra sa mga priority ng mga personnel ng hospital, ang next priority ay yung mga taga-RHU, lalo na yung mga nag-duduty sa mga TTMF.

Ang TTMFs (Temporary Treatment and Monitoring Facility) ay matatagpuan sa mga tanggapan ng RHU (Rural Health Units) sa anim na bayan ng Marinduque.

Walumpong vials ang dumating sa Marinduque: isang vial ay kasya sa sampung dosages.

Kaya ang kabuuang dosages ay aabot sa 800 para dalawahang ineksyon sa may 400 health care workerw.

Mahigit 2,000 pang mga frontline health care worker ang kailangan pang bakunahan sa Marinduque, ayon kay Dr. Caballes.

Hapon ng Marso 13 dumating ang mga bakunang AstraZeneca sa Balanacan Port sa  bayan ng Mogpog.

Kasama nina Dr. Caballes sa mga sumalubong sina Rino Labay ng Marinduque Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at mga field officer ng Office of Civil Defense Marinduque gaya ni Anthony Zoleta. (LP)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments