Tagalog News: JTF NCR, patuloy ang info campaign kontra COVID-19

JTF NCR photo

LUNGSOD PASIG, April 6 (PIA) -- Patuloy ang pagsasagawa ng Joint Task Force National Capital Region (JTF NCR) ng Civil-Military Operations (CMO) support upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19. 

Sa pamamagitan ng "Loudspeaker Operations," ang mga tauhang frontliner ng JTF NCR ay patuloy na nagpapaalala ng minimum health protocol at physical distancing sa publiko.

Ang pinagsanib na tropa at trompa ay nagiikot sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila upang iparinig sa mga tao ang ilang safety reminder at magbigay paalala sa kanila ang banta sa kalusugan ng kinakaharap na pandemya.

Ang Loudspeaker Operation ay nagiikot sa Brgy. Bagbaguin, Valenzuela City; Brgy. Tatalon at Masambong, Quezon City; Brgy. Longos, Malabon; Pinagsama, Signal Village at Lower Bicutan sa Taguig City; at sa Brgy. Camp Aguinaldo.

Samantala, patuloy rin ang JTF NCR sa kanilang ‘Libreng Sakay’ para sa mga health workers at iba pang frontliners ng Metro Manila. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments