Tagalog News: Herd immunity target sa Nobyembre -Sec. Galvez

Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez sa kanyang presentasyon sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa programang "Talk to the People" (PCOO)

LUNGSOD CALOOCAN, Mayo 15 (PIA) -- Target ng gobyerno na makamit ang herd immunity laban sa COVID-19 sa Metro Manila at mga karatig lalawigan sa Nobyembre ngayong taon.

Ito ang ibinalita ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa programang "Talk to the People" Huwebes ng gabi.

Ani Galvez, sa pakikipagtulungan ng local at national government sa mga pribadong sektor sa COVID-19 response, nilalayon ng bansa na ituon ang pansin sa pagkamit ng herd immunity sa mga "strategic areas" tulad ng Metro Manila na may "significant" na bilang ng impeksyon at lugar na may “highest economic and social impact."

Iniulat rin ni Sec. Galvez na ang bansa ay magkakaroon na ng steady supply ng mga bakuna mula sa limang mga brands.

Nasa 21 milyong vaccine doses ang inaasahang dadating sa bansa ngayong May at June.

Sinabi ni Galvez na target ng gobyerno na mabakunahan ang 70 porsyento ng populasyon sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa 180 araw o sa Nobyembre.

“Ang target namin, nagkaroon kami ng simulation, we can have the herd immunity sa NCR (National Capital Region) kasama ang anim na lalawigan sa paligid ng NCR by Nobyembre. Mga 180 days,” aniya.

Upang makamit ito, kailangang makamit ng gobyerno ang 120,000 shots per day sa Metro Manila, sinabi ni Galvez.

Nauna nang ibinalita ng vaccine czar ang plano ng gobyerno na ituon ang supply ng bakuna sa mga "strategic areas," na kasama ang Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon.

Ipinaliwanag niya na sa pamamagitan ng pagtuon ng suplay ng bakuna sa mga lugar na ito, kailangan lamang mag-inoculate ng gobyerno ng 58.6 milyong katao, o 70 porsyento ng 83 milyong katao, upang makamit ang herd immunity. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments