LUNGSOD CALOCOAN, Mayo 16 (PIA) -- Ibinalita ngayong araw ni Mayor Oca Malapitan na ang natitirang ayuda o "financial aid" ng Lungsod Caloocan para sa mga residenteng naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay maaari nang kunin sa mga outlet ng Universal Storefront Services Corporation (USSC).
"Upang ipamahagi ang natirang pondo kahapon, mayroong cash ayuda distribution ngayong Linggo sa mga USSC outlets and partners sa Caloocan at mga kalapit na lugar." paalala ni Mayor Oca sa kanyang Facebook Page.
"Upang makatanggap ng ayuda, maagang magtungo sa alinmang USSC outlets and stores," dagdag pa niya.
Ibinahagi din ni Malapitan ang pinakamalapit na mga branch ng USSC kung saan maaaring makuha ang ayuda mula sa Nasyunal na Pamahalaan.
Paalala pa ng alkalde, dapat na dalhin ang valid ID at reference number na natanggap kalakip ng text message mula sa USSC sa pagkuha ng ayuda.
"Paalala na ang mga nakatanggap na ng ECQ cash ayuda ay hindi na maaaring makatanggap ulit nito," dagdag pa niya. (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments