Tagalog News: Programang ‘OK’ inilunsad ng Pasig City

LUNGSOD PASIG, Mayo 8 (PIA) -- Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang "Oplan Kaayusan" (OK).

Ayon sa pamahalaang lungsod, sa ilalim ng naturang programa ay magiging "OK na OK" sa Pasig dahil sa patuloy na pagsasaayos ng mga kalsada sa lungsod.

Dagdag pa rito, hindi lamang pagpapanatili ng kaayusan ng mga pisikal na imprastraktura sa lungsod ang magiging benepisyo ng programang ito, mayroon din itong dulot sa peace and order at public safety.

Kung magiging mas maliwanag ang mga ilaw sa daan sa gabi dahil sa paggamit o pagpalit ng LED street lights, posibleng mabawasan ang insidente ng nakawan at mga krimen na ginagawa sa dilim.

Gayundin, kung maayos ang manhole covers, maiiwasan ang posibleng aksidente sa kalsada na magdudulot ng pinsala sa mga motorista at sa publiko, at marami pang negatibong insidente. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments