LUNGSOD CALOOCAN, Mayo 16 (PIA) -- Ngayong ipinatupad na ang General Community Quarantine sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal o NCR Plus, pinapaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi nagbago ang bilang ng mga Public Utility Vehicle (PUV) na bumibiyahe sa Metro Manila at iba't ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III, walang nagbago sa bilang ng mga operational PUV units na dati nang tumatakbo kahit naipatupad ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula noong ika-31 ng Marso 2021 hanggang ika-14 ng Abril 2021.
"Nagkakaroon minsan ng pila ng mga PUV pero kapag may pila ng mga pasahero, gumagalaw naman kaya manageable ang PUV operations. Nakikita natin yung efficiency ng PUVs pero tinitingnan din natin 'yung supply," ani Delgra.
Tinitiyak ng LTFRB na patuloy ang pagbubukas ng mga PUV routes na sa ngayon ay nasa mahigit kumulang 80% ng kabuuang bilang ng mga ruta na bukas bago pa maranasan ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic. Bukas na rin ang inter-regional routes kung saan pinapayagan ang pagbiyahe papasok at palabas ng Metro Manila.
Bagamat inaasahan ang pagdami ng mga pasahero sa mga sumusunod na araw ngayong naibalik na ang GCQ sa NCR Plus, mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng mga public health saftey protocols sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
Base sa mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force at LTFRB, susundin pa rin ang 50% passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan ngunit papayagan din ang pagtatabi sa loob ng PUV kung may nakalagay na plastic barrier sa pagitan ng mga pasahero.
Dagdag pa riyan, istriktong ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon, na ayon sa rekomendasyon ng mga health experts:
1) Laging magsuot ng face mask at face shield;
2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;
3) Bawal kumain;
4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;
5) Laging magsagawa ng disinfection;
6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at
7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa Metro Manila Development Authority (MMDA), Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT), Philippine National Police - Highway Patrol Group (PNP-HPG), at local enforcers ng local government units sa pag-monitor sa kalsada upang matiyak ang pagsunod ng mga PUV sa mga alituntunin sa mga pampublikong sasakyan.
Pinapaalala rin ng LTFRB sa mga operator at driver ng TPUJ na sundin ang mga patakaran ng ahensya. Ang sinumang mahuli na lumabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.
Narito naman ang bilang ng mga ruta na binuksan sa loob at labas ng Metro Manila at bilang ng mga PUV na bumibiyahe sa mga naturang ruta simula noong ipatupad ang General Community Quarantine noong 01 Hunyo 2020:
TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 475
Bilang ng mga awtorisadong units: 39,174
MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 51
Bilang ng mga awtorisadong units: 970
PUBLIC UTILITY BUS (CITY PUB)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 35
Bilang ng mga awtorisadong units: 4,550
POINT-TO-POINT BUS (CITY P2P)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 35
Bilang ng mga awtorisadong units: 404
UV EXPRESS
Bilang ng mga rutang nabuksan: 128
Bilang ng mga awtorisadong units: 7,347
TAXI
Bilang ng mga awtorisadong units: 21,663
TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
Bilang ng mga awtorisadong units: 25,495
MODERN UV EXPRESS (CLASS 3)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 3
Bilang ng mga awtorisadong units: 55
PROVINCIAL PUB (TOUCHING METRO MANILA)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 241
Bilang ng mga awtorisadong units: 5,350
PROVINCIAL P2P (TOUCHING METRO MANILA)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 7
Bilang ng mga awtorisadong units: 204
PROVINCIAL PUB (NOT TOUCHING METRO MANILA)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 8
Bilang ng mga awtorisadong units: 104
PROVINCIAL P2P (NOT TOUCHING METRO MANILA)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 3
Bilang ng mga awtorisadong units: 65
(PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments