LUNGSOD PASIG, Mayo 17 (PIA) -- Paalala ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga senior citizens (A2) at adults with comorbidities (A3) na nakatala para sa bakuna kontra COVID-19 at nakapag-updated na rin ng kanilang Pasig Health Records ngunit hindi pa nakatatanggap ng schedule, ay siguraduhin na tama ang contact details sa registration.
Ayon sa pamahalaang lungsod, may mga naibalita na marami pa ang hindi nakakakuha ng schedule sa bakuna bagaman matagal nang nakapag-update na ng kanilang record sa Pasig Health Monitor (PHM).
Ito ay posibleng dahil sa alinman sa mga sumusunod:
- Hindi updated na contact number sa PasigPass account
- Mali o kulang na contact number na na-input sa online profiling form o sa house-to-house profiling form
- Maling input sa PHM system dahil hindi gaanong malinaw ang pagkakasulat sa house-to-house profiling form
Upang masigurado na tama ang contact number sa system kung saan ipinapadala ang SMS advisories mula sa PASIGBAKUNA, i-text ang:
“BakunaConfirm <Last Name>/ <First Name>/ <Middle Initial>/ <Date of Birth MMDDYYYY>/ <Barangay>”
Halimbawa: BakunaConfirm Dela Cruz/ Juan/ S/ 06121988/ Palatiw
Ipadala ito sa 2256 72744 (2256PASIG)
Paalala ng pamahalaang lungsod na libre ang pagpapadala ng text sa 2256 72744. Subalit aara sa ilang networks, kailangan ng extra load para makapagpadala ng text.
Para sa iba pang impormasyon at updates, bisitahin ang Pasig City Public Information Office Facebook Page: https://www.facebook.com/PasigPIO.
(PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments