Midwives, frontliners din sa gitna ng ECQ

Photos courtesy of POPCOM NCR

LUNGSOD PASIG, MayO 1 (PIA) --  Patuloy ang pagbibigay serbisyo medikal ng mga midwives sa gitna ng ipinapatupad na enhanced community quarantine o ECQ sa Metro Manila. 

Tuon ang mga midwives sa paghahatid  serbisyo na may kinalaman sa pagpa plano ng pamilya sa kabila ng dinaranas na COVID-19 pandemic.

Kamakailan, nanawagan ang Department of Health sa mga mag-asawa na mag practice ng family planning upang makaiwas sa hindi planadong pagbubuntis.

Para sa mga katanungan ukol sa family planning, maaaring makipag-ugnayan sa Commission on Population (POPCOM) NCR sa pamamagitan ng kanilang Facebook page (Commission on Population and Development NCR), mag email sa ncrpopcom@yahoo.com o bisitahin ang kanilang website https://ift.tt/3d2iBFr. (POPCOM NCR/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments