Food coupon ng Pasig, maaaring gamitin hanggang May 15

PASIG CITY, May 2 (PIA) – Nagbigay paalala ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig na maaaring gamitin ang natanggap na food coupon hanggang sa May 15, 2020.

Noong nakaraang buwan, namahagi ng food coupon ang pamahalaang lungsod na nagkakahalagang P400 kada mag-aaral bilang tulong sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Mahigit 130,000 ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ng Pasig.

Ang food coupon na ipinamahagi ay maaaring gamitin sa mega market, mobile palengke at piling talipapa sa lungsod. (Pasig City/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments