LUNGSOD PASIG, Mayo 3 (PIA) -- Nag-ambagan ang ilang miyembro ng Task Group Laban COVID-19 Water Cluster ng Philippine Coast Guard (PCG) ay nag-ambagan upang makatulong sa mga naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) bunsod ng COVID-19.
Umabot sa P46,000 ang nalikom na pondo mula sa isinagawang amabagan na ginamit naman upang makabili ng bigas, delata at instant noodles.
Nitong Sabado, ipinamhagi na nang mga miyembro ng Task Group Laban COVID-19 Water Clustera ang mga relief packs sa may 220 construction workers at security personnel sa Pasay City.
Samantala, patuloy ang Task Group sa pagsasagawa ng iba’t-ibang boluntaryong inisiyatibo para makatulong sa mga pamilyang apektado ng krisis dulot ng COVID-19. (PCG/PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments