LUNGSOD PASIG, Mayo 18 (PIA) – Balik pasada na ang mga tricycles at pedicabs sa lungsod ng Marikina.
Simula kahapon, pinayagan na ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang muling pagbiyahe ng mga nasabing pampublikong transportasyon matapos pirmahan ng alkalde ang Executive Order No. 21, Series of 2020 kung saan pinapayagan na ang operasyonng mga tricycles at pedicabs sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
“Pinapayagan na natin na bumiyahe ang ating mga tricycle at pedicab drivers… Ito ay para may pagkuhanan ng kabuhayan ang mga drivers para sa kanilang mga pamilya,” wika ni Mayor Marcy.
Ayon sa pamahalaang lugsod, upang masiguro na ligtas at COVID19-Free ang mga terminals, TODA, PODA at mga pasahero, ang mga drivers ay isasailalim sa mass testing simula ngayong araw ng Lunes hanggang sa Biyernes (Mayo 22), hanggang sa susunod na linggo.
Ito ay bilang pangangalaga sa pangkalusugang kaligtasan ng mga tricycle, pedicab drivers at ng kanilang mga pasahero. Gayundin, ito ay bahagi ng phased transition ng lungsod mula ECQ at Modified ECQ papunta sa New Normal.
Samantala, umaasa naman ng pamahalaang lungsod na susunod ang mga TODA at PODA sa Health and Safety Guidelines and Social Distancing Measures. (Marikina PIO/PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments