EL NIDO, Palawan, Hun. 26 (PIA) -- Kinilala ng Conde Nast Traveller ang Hidden Beach ng El Nido, Palawan bilang isa sa 'The 30 Best Beaches in the World'.
Ang Hidden Beach o tinaguriang “secret beach” ng mga lokal ay nasa Matinloc Island at kabilang sa mga pinupuntahang destinasyon sa island-hopping tours.
Ilang pagkakataon nang nabigyan ng pagkilala ang El Nido at ang Palawan ng mga bantog na travel magazines sa ibang bansa.
Noong 2016 at 2017, kinilala ng Travel+Leisure Magazine ang Palawan bilang numero uno sa World's Best Islands Awards.
Sa Conde Nast Traveller ay nakabilang ang ay nakabilang ang Palawan na isa sa Top 5 Best Islands in Asia.
Kamakailan lamang, pinangalanan rin ng Forbes Magazine ang Pilipinas bilang isa sa “Rising Stars in Travel”, kasama ng anim pang bansa na “may potensyal na maging isang pangunahing tourist destination pagkatapos ng COVID-19 pandemya”. (LC/PIAMimaropa/Calapan)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

0 Comments