LUNGSOD QUEZON, Hunyo 2 (PIA) -- “Sa unang araw ng general community quarantine (GCQ) huwag kakalimutan na habang wala pang bakuna, wala pang gamot ay banta pa rin ang COVID-19 at nasa mga kamay natin ang pagitan ng diperensya ng buhay at kamatayan”.
Ito ang mariing paalala ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa publiko na kung saan mula June 1 hanggang 15 ay nasa GCQ at MGCQ ang buong bansa.
Ayon pa kay Roque, bagamat wala ng lugar sa Pilipinas ang nasa enhanced community quarantine (ECQ) o Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kung marami pa din ang hindi susunod sa health protocols tulad ng social o physical distancing, pag huhugas ng kamay at lalabas ng lalabas ng bahay ng walang dahilan ay baka bumalik pa din ang bansa sa ECQ o MECQ.
Muli din nagpaalala ang Department of Health(DOH) sa pagsunod sa minimum health standards tulad ng pagsusuot ng mask kung lalabas, physical distancing, paghuhugas ng kamay, pag disinfect sa mga ibabaw o commonsurfaces at ang symptoms screening.
“May kaunti lang na ibibigay na paalala ang Kagawaran ng Kalusugan para sa araw na ito na nag uumpisa tayo niton GCQ dito sa Metro Manila. Ito ung palagian nating pinapaalala sa lahat ng ating mga kababayan unang una pag lumabas wear your mask. Hindi lamang isusuot ang mask kundi isusuot ito properly. Marami tayong nakikita na nasa baba nila o di kaya bibig lamang ang natatakpan. If you wear your mask, wear your mask properly na kinokober ang parehong bibig at ilong. Physical distancing napaka importante alam po natin na ang transmission ay maaring makuha through droplets infection and close contact. So kung hindi tayo susunod sa distance na kailangan ay malaki ang probabilidad na maari tayong mahawa. Washing your hands is very important and disinfecting common surfaces at yung symptoms screening. Ito po ang ginagawa natin sa lahat ng setting natin at pati sa workplaces” ani DOH Spokesperson Undersecreatary Maria Rosario Vergeire.
Base sa Inter-Agency Taskforce on Emerging Infectious Disease (IATF) Resolution no. 41 ang mga sumusunod ay nasa GCQ:
Sa Luzon ay ang probinsya ng Pangasinan, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Santiago City sa Region II, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Angeles at Olongapo City sa Region III, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Lucena City sa Region IV-A at ang NCR kasama ang Municipalidad ng Pateros
Samantala ang Bohol, Cebu, Mandaue, Negros Oriental, Siquijor, Cebu City, Lapu-Lapu City naman sa Region VII, at ang Zamboanga at Davao City naman sa Mindanao.
Inaaatasan din ang Regional IATF ng NCR at Cebu City na mag monitor sa health system performance, capacity, at strict compliance to surveillance isolation and treatment protocols. (pia-idpd/mbp)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments