Tagalog News: Unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Siargao Island, naitala na

LUNGSOD NG BUTUAN, Hulyo 1 (PIA) -- Kinumpirma ng mga otoridad ang unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bayan ng Del Carmen sa isla ng Siargao.

Kabilang ito sa 22 na bagong kasong naitala ng Department of Health (DOH) Caraga noong Lunes, Hunyo 29.

Labing-walo sa naitalang kaso ay are locally stranded individuals (LSIs), dalawa ay returning overseas Filipinos (ROFs), isa ay may travel history sa Metro Manila, at isa naman ay healthcare worker.

Dalawampu dito ay asymptomatic at kasalukuyang nakaisolate na sa quarantine facilities ng kanilng local government units (LGUs) habang dalawa dito ay may mild symptoms at nakaconfine sa mga treatment facilities sa rehiyon.

Base sa datos ng kagawaran, ang sumusunod ay area distribution ng mga kaso: 2 sa Cabadbaran City; 1 sa Buenavista; 2 sa Carmen; 1 sa Jabonga; at 2 sa Nasipit sa probinsya ng Agusan del Norte; 1 sa Esperanza; 1 sa Loreto; 2 sa Prosperidad; at 1 sa Sibagat sa probinsya ng Agusan del Sur; 1 sa Bislig City; 2 sa Carmen; at 1 sa Lingig, Surigao del Sur; isa sa bayan ng Alegria, Mainit, and Tubod sa Surigao del Norte, at isa sa Butuan City.

Samantala, nagpositibo naman sa follow-up tests ang sampung previously tallied cases.

Sa kabuuan, may 138 na confirmed cases na ang Caraga region, kung saan pito ay nakarecover at nadischarge na, 28 ay nakarecover na ngunit kinakailangan pang tapusin ang quarantine period, at 103 ay kasulukuyang admitted at naka strict facility quarantine. (DMNR/PIACaraga)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments