Trece Martires City, Cavite Jun 30 (PIA) -- Sa pamamagitan ng ugnayan ng USAID's TB Platforms Project kasama ang Department of Health (DOH) at ng Philippine Information Agency (PIA) muling aarangkada ang USAPANG DIBDIBAN na isusulong ang Universal Health Care (UHC) ngayong ika-1 ng Hulyo, 2020 2 - 5pm.
Ang talakayan na ito ay magbibigay linaw kung makakatulong ang implementasyon ng UHC sa pagpapaigting ng TB at COVID-19 response.
Makakasama sa gaganaping talakayan sina DOH Special Assistant and OIC-Director for Health Promotion and Communication Service, Dr. Beverly Ho, former DOH Secretary Paulyn Ubial, former Senator at ang principal na may akda ng Universal Health Care Act Mr. JV Ejercito, Batangas Governor Hermilando Mandanas, at Quirino Governor Dakila Cua, Municipality of Magallanes, Cavite Mayor Jasmin Maligaya-Bautista, at iba pang gobernador at punong bayan na nagsusulong ng implementasyon ng Universal Health Care.
Ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa pangunguna ni Senior Vice President Israel Francis Cua ay malugod ding kalahok sa usapan.
Maaring makisali sa diskusyon sa Facebook Live Streaming ng NTP Philippines para magtanong sa mga panauhin at makipagtalakayan para sa anumang karagdagang input na maaaring makatulong sa layunin ng USAID TB Platforms Project. (Ruel Francisco, PIA-Cavite/with reports from USAID)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments