LUNGSOD CALOOCAN, Hulyo 2 (PIA) -- Pansamantalang ipinasara ni Mayor Francis Zamora ang Agora Market sa San Juan matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang vendor sa pamilihan.
Isinara ang Agora kahapon, Miyerkoles at magtatagal hanggang Sabado (Hulyo 4) upang isailalim malawakang paglilinis at disinfection upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Isasailalim din ang may 644 na mga vendor sa swab testing Huwebes ng umaga, at manatili ang mga ito quarantine facilities habang naghihintay ng resulta sa kanilang tests.
Samantala, ang COVID positive na vendor ay kasalukuyan nang ginagamot sa isang ospital, habang lahat naman ng mga nakasalamuha nito ay na trace na at sumailalim na sin sa swab test.
Sinabi ni Zamora na seseguruhin ng pamahalaang lungsod na magigigng ligtas sa publiko ang Agora Market sa muli nitong pagbubukas. Sisikapin din umano ang maagang paglabas ng resulta ng swab tests na isinagawa sa mga vendors, upang kung sakaling meron pang magpositibo ay makapagpagamot agad ang mga ito.
Dagdag pa ni Zamora, na ang Agora Market, bago pa man may nagpositibong vendor sa COVID-19, ay regular na isinasailalim sa disinfection tuwing Miyerkoles at Linggo. (PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments