Larawan ni Jerick mula sa Manila Bulletin |
Sa ilang mga pamilya na naninirahan sa probinsya, karaniwan na ang kabuhayan ay pag sasaka, at ang mga magulang na magsasaka naman ay hinihikayat ang kanilang mga anak na ipagpatuloy ang pagpapaunlad sa kanilang sakahan.
Gayunpaman, halos lahat ng kabataan, lalo na sa panahon ngayon ay nais manirahan sa probinsya at gawin ang ganitong uri ng trabaho sa bukid.
Mas marami ang nais na mag-aral at makipag sapalaran maghanap ng trabaho sa mga naglalakihang building sa mga siyudad.
Hindi naiiba sa mga pangkaraniwan nais ng kabataan ngayon ang kwento ni Jerick Javier Clerigo na binahagi ng Manila Bulletin.
Ayon sa kanya hindi siya mahilig sa pagsasaka noong siya ay mas bata sa kabila nang paghihikayat sa kanya ng kanyang mga magulang.
“I was being encouraged by my parents to engage in farming activities, but I really disliked farming.” ayon kay Clerigo
Kwento ni Clerigo, natuklasan niya ang kanyang interes sa pagsasaka matapos niyang mag dropped out sa Ateneo De Davao University.
“I felt lost, thus, I tried finding my purpose in life. I started by taking a business course that was not precisely related to farming.” kwento pa ni Clerigo
Ang hindi niya alam, ang unang hakbang na ito pala ang magiging daan para mahanap niya ang nais niyang gawin at layunin para sa sarili.*
Ang JC Agri Farm | Larawan mula sa Manila Bulletin |
Si Clerigo ay nag aral muli at nagtapos sa Notre Dame of Kidapawan College ng kursong Business Administration Major major in Marketing na kanyang nagagamit upang pagyamanin ang negosyo sa bukid.
Sa ngayon ay pinapatakbo ni Clerigo ang sariling 2.1 ektaryang sakahan kasama na ang 28-ektaryang pag-aari ng kanyang mga magulang.
Ang kanilang bukid ay kilala bilang JC Agri Farm, na pinangalan sa mga inisyal ng kanyang ama, na tugma din sa inisyal ng kanyang pangalan.
Maliban sa pangangasiwa ng kanilang bukid, mayroon pang ibang sideline ang batang magsasaka.
“I do delve in sidelines from time to time like selling bamboo straws and value-added products such as ice creams that derived from the farm’s crops,” aniya
Ang JC Agri Farm ay matatagpuan sa lalawigan ng Kidapawan City sa Cotabato, na sinimulang pamahalaan ni Clerigo noong October 2015.*
Mga ani ng saging | Larawan mula sa Manila Bulletin |
Ang pangunahing pananim sa bukid ng pamilya ay saging at goma. Nang siya ay tanungin kung bakit ito ang napiling itanim;
“These crops are valued in our city. Our family is traditionally banana growers. Moreover, the soil profile of our lot suits these specific crops.” paliwanag ni Clerigo
Sa kasalukuyan, ang bukid ay mayroong 5000 puno ng saging at 3000 naman na puno ng goma. Mayroon ding mangosteen and durian, cauliflower, mga niyog, straberry at broccoli.
Sa una daw ay hindi naging madali para kay Clerigo na patakbuhin ang kanilang bukid, dahil marami ang naging hamon para sa kanya. Isa na rito ang pakikipag -usap at ugnayan sa kanilang mga magsasaka.
“There was a gap in understanding them at times. I had to understand the troubles that my farmers were going through to maintain the quality of our workers. There was a constant effort to gain the trust of my farmers so that they would perform well. But I learned that it was crucial to treat them as my own. I had to treat them as individuals rather than mere workers,” ayon pa kay Clerigo
Noong siya ay nagsisimula, mayroon lamang daw siyang dalawang katulong sa pagpapatakbo ng 2.1 ektarya at 28-ektaryang bukid ng kanyang mag magulang. Ngayon ay mayroon na silang 15 manggagawa sa bukid.
Ang kanilang mga magsasaka ay nakakakuha ng libreng pagkain, tirahan, kuryente, at tubig sa loob ng maraming. Maaari pa silang magtanim ng kanilang nais at ibenta para kumita ng extra.
Source: Daily Sentry
0 Comments