Karagdagang mga ruta ng PUJs, UV Express bubuksan sa Metro Manila sa ilalim ng GCQ

LUNGSOD CALOOCAN, Agosto 18 (PIA) -- Magbubukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang 60 na ruta para sa mga traditional na Public Utility Jeepney (PUJs) at 4 na ruta para sa mga UV Express oras na mapasailalim ang Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ).

Ang pagbubukas ng mga rutang ito ay nangangahulugan din ng sumusunod na dagdag bilang sa mga authorized units: 4,498- karagdagang units ng traditional PUJs; 641-karagdagang units ng UV Express.

Ito ay nakasaad sa mga sumusunod na Memorandum Circular na nilagdaan noong ika-31 ng Hulyo 2020 at ika-15 ng Agosto 2020:

MC 2020-029A: ADDITIONAL ROUTES ALLOWED FOR THE OPERATION OF TRADITIONAL PUJ VEHICLES DURING THE PERIOD OF GCQ IN METRO MANILA AND ENTERING METRO MANILA

MC 2020-034: SUPPLEMENTAL REQUIREMENT FOR UV EXPRESS ALLOWED TO OPERATE UNDER MC NO. 2020-025

MC 2020-035: ADDITIONAL ROUTES ALLOWED FOR THE OPERATION OF UV EXPRESS VEHICLES DURING THE PERIOD OF GCQ IN METRO MANILA AND ENTERING METRO MANILA

MC 2020-036: ADDITIONAL ROUTES ALLOWED FOR THE OPERATION OF TRADITIONAL PUJ VEHICLES DURING THE PERIOD OF GCQ IN METRO MANILA AND ENTERING METRO MANILA (19 AUG 2020)

MC 2020-037: ADDITIONAL ROUTES ALLOWED FOR THE OPERATION OF TRADITIONAL PUJ VEHICLES DURING THE PERIOD OF GCQ IN METRO MANILA AND ENTERING METRO MANILA (20 AUG 2020)

Ayon sa mga MC, hindi na kinakailangang kumuha pa ng special permit. Maglalabas ng QR codes ang ahensya para sa mga unit na papayagang bumiyahe. Ang mga ito ay maaaring i-download mula sa website ng ahensya (ltfrb.gov.ph) at kailangan i-print at idikit sa harap ng windshield ng yunit nang hindi nakasasagabal sa paningin ng drayber. Tanging ang mga may QR codes lamang ang maaaring pumasada sa panahong ito.

Narito ang listahan ng mga karagdagang ruta ng traditional PUJs at UV Express na papayagan ng makabiyahe sa ika-19 ng Agosto 2020:

MC 2020-035 - Para sa mga UV Express:

1. SM Bicutan - Ayala Center

2. Almanza - Ayala Center via SLEX/Skyway

3. Sucat - Quiapo

4. Marikina Heights - Ayala

MC 2020-036 - Para sa mga traditional PUJ:

T101 Bagong Silang - Novaliches via Susano

T121 Polo - Sangandaan via Tenejeros

T122 EDSA/North Ave. - Project 6

T123 Novaliches - Shelterville via Camarin Road

T124 Jordan Plains - Sapang Palay

T202 Commonwealth Market - Q. Plaza via Marikina

T222 Balara - Tumana

T223 Cubao (Arayat) - V. Luna via Ybardolaza

T224 Pasig - Ugong via Rodriguez

T225 Pateros - Market Market

T226 FTI - Kayamaan C

T227 AFP/PNP Housing - Guadalupe via Bayani Rd.

T228 Project 2&3 - TM Kalaw to Remedios Street via E. Rodriguez Avenue

T229 Angono - Pasig

T230 Bagong Nayon II - Marikina

T231 Binangonan - Pasig

T352 Del Monte - Quezon Ave. via Banawe

T353 San Miguel - SM Manila

T354 Frisco - Vito Cruz via Sta. Cruz, Mabini

Narito naman ang listahan ng mga karagdagang ruta ng PUJ na papayagan simula ika-20 ng Agosto 2020:

T125 Capitol Park Homes II - SM Fairview

T126 Amparo - Novaliches via Sanana

T127 Bigte, Norzagaray, Bulacan - Novaliches

T128 Novaliches - Palmera, San Jose del Monte

T129 Novaliches - Sapang Palay

T130 EDSA/North Ave - T. Sora via Mindanao Ave.

T131 Balintawak - Marcos Ave./T. Sora

T232 EDSA/Pioneer - Pateros via Pasig

T233 Antipolo - Marikina

T325 Guadalupe (ABC) - Brgy. Buting E. Rembo via Kalayaan

T355 Del Pan - Guadalupe (Ibabaw)

T356 Nagtahan Rotonda - Pandacan

T357 Guadalupe Market - L. Guinto via P. Gil

T358 EDSA/West Ave. - Panay Ave.

T359 Bangkusay - Divisoria

T360 Blumentritt - Delos Reyes/P. Campa via Dimasalang

T361 Del Monte - Kanlaon via Mayon

T362 San Andres Mkt - Sta. Ana via P. Faura/P. Gil

T363 San Miguel - Ikot

T364 Blumentritt - Retiro

T365 AFP/PNP Housing Guadalupe via MRT

T366 Divisoria - Don Bosco via Moriones

T367 Arroceros - Project 8 via Espana

T368 Guadalupe (ABC) Pateros via JP Rizal

T403 Baclaran - NAIA/Baltao

T404 Alabang - Signal Village via SSH

Maari na ring bumiyahe ang mga ruta ng traditional PUJs na naisaaad sa MC 2020-029A na inilabas noong 31 Hulyo 2020 sa oras na isailalim ang Metro Manila sa GCQ:

T115 Malabon - Monumento via Acacia

T116 Cielito- Novaliches via Zabarte

T117 Novaliches - Deparo via Susano

T118 SM Fairview - Lagro Subd. Loop

T119 Meycauayan, Bulacan - Bignay

T120 Pantranco - Project 8 via Roosevelt

T217 Forbes Park - Pasay Rd. via Ayala Commercial Center

T218 Pasig - Taguig via Maestrang Pinang, Tipas

T219 Marikina - Paenaan

T220 Katipunan - Marcos Ave/Tandang Sora

T347 Cabrera - Libertad

T348 Arroceros - Cubao via España

T349 Quiapo (Barbossa) - Santol, Sta. Mesa

T350 Dagat-dagatan - Delpan via Divisoria

T351 Quiapo - San Miguel via Palanca

Oras na maging operational ang mga rutang ito, narito na ang kabuuang bilang ng mga rutang binuksan ng LTFRB, kasama na ang bilang ng mga authorized units nito, simula noong unang ipatupad ang GCQ sa Metro Manila:

Public Utility Bus (PUB) – 31 routes; 3,662 units

Point-to-Point Bus – 33 routes; 364 units

Taxi - 20,493

Transport Network Vehicles Services (TNVS) - 23,776

UV Express – 51 routes; 1,621 units

Modern Public Utility Jeepney (PUJ) – 45 routes; 716 units

Traditional Public Utility Jeepney (PUJ) – 126 routes; 12,443 units

Pinapaalalahanan naman ang lahat sa mga patakaran na inilahad ng IATF-EIF patungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng Social Distancing protocols at ang NO FACE MASK, NO FACE SHIELD, NO RIDE sa mga pampublikong sasakyan. (DOTr/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments