Nahaharap man sa napakatinding krisis ang bansa at ang buong mundo sa kasalukuyan ay nakuha pa ring manamantala ng ibang tao sa kanilang kapwa.
Ito ang nangyari sa isang kaawa-awang lola na nagsisikap na maghanapbuhay sa gitna ng lockdown kahit pa may banta ng C0VID-19.
Sa ulat mula sa The Freeman, isang vegetable vendor mula sa Cebu City ang nagbebenta ng gulay para kumita pa rin ng pera sa kabila ng mahirap na sitwasyon ngayon.
Sa hindi nabanggit na dahilan, hindi umano nakapag-secure ng quarantine pass ang lola. Dahil dito, inaresto ang babae sa pagsuway sa enchanced community quarantine rules.
Sa kasamaang palad, nang balikan ng babae ang kanyang mga gamit at paninda sa lugar kung saan sya dinampot matapos arestuhin ay wala na ang mga ito.
“A vegetable vendor in Cebu City sits by the road and weeps after realizing she has lost P30,000 to thieves shortly after she was arrested for going out without a quarantine pass,” saad ng isang post sa The Freeman Facebook page.
Narito ang ilan sa reaskyon ng mga netizen,
“Hoy, this feels awful! They should have handled it properly and not compromising someone else’s livelihood/business. My heart breaks for nanay, 30k is never easy to earn in this times of crisis. God bless Nanay!”
“There should be a better way of implementing this ECQ. We need the vendors, they should be given a pass. A separate team or a special committee from the City Hall that should look after them (looking after their health, sanitation, transportation, safety and scheduling), they are also front liners. Just to add my 2 cents.”
Source: Daily Sentry
0 Comments