Mga gurong nawalan ng trabaho, inalok na magturo sa 'Makati Mobile Learning Hubs' Project

Mula sa My Makati Facebook page

LUNGSOD CALOOCAN, Agosto 10 (PIA) -- Kasalukuyang naghahanap ang lungsod ng mga guro, teacher assistants o aides, at tutors para sa Makati Mobile Learning Hub Project,  ayon sa nanunsyo ni Makati Mayor Abby Binay nitong Linggo.

Ang Makati Mobile Learning Hub ay isang makabagong educational platform na magsusulong ng patuloy na edukasyon ng mga kabataan ng lungsod sa kabila ng mga hamon at balakid na dulot ng pandemya.

Ayon sa alkalde, pupunta ang mobile learning hubs sa iba’t ibang bahagi ng lungsod sa pagbubukas ng klase, upang tulungan ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang na makasabay sa bagong pamamaraang ‘blended learning’.

Ang pangunahing pakay nito ay ang mga mag-aaral na walang gadget o anumang learning tool, at mga magulang na mahihirapang gabayan at turuan ang kanilang mga anak gamit ang self-directed learning modules, paliwanag ni Mayor Abby.

Aniya pa, nakapagbibigay din ang proyekto ng pagkakataong makapagtrabahong muli ang mga gurong nawalan ng trabaho dahil sa pagbabawas ng empleyado o pagsasara ng ilang pribadong paaralan.

Ang bawat hub ay lalagyan ng mga laptop at internet connection, pati na mga libro at supplementary materials na maaaring hiramin ng mga magulang. Magkakaroon din professional teachers, teacher assistants o youth volunteers na nakaantabay upang magbigay ng tutorials sa mga nais magpaturo.

Dagdag pa ni Mayor Abby, layon ding isulong ang interes ng mga mamamayan ng Makati sa pagbabasa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad tulad ng book donation drives sa mobile learning hubs.

Hinimok ng alkalde ang professional educators, tutors at parateachers na mag-apply na gamit ang link na bit.ly/GuroDyipniMaki. Ang lungsod ay tatanggap ng applications hanggang August 15.

Kabilang sa qualifications ang pagiging graduate ng B.S. Education o iba pang related courses sa Mathematics, Science, Filipino, at English; kung board passer, valid PRC o Professional License for Teachers. Kailangan ding handang maitalaga sa mga barangay sa Makati. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

1 Comments

  1. أنا بالتأكيد تتمتع كل قليلا من ذلك. إنه موقع رائع ومشاركته لطيفة. أريد أن أشكركم. أحسنت! أنتم يا رفاق تقومون بعمل مدونة رائعة ولديكم بعض المحتويات الرائعة. ثابر على العمل الجيد. الرجاء زيارة موقعنا على الويب شروط استخراج رخصة مهنية في السعودية

    ReplyDelete