Hindi man naranasan ng marami ang napakasakit na pangyayaring sinapit ng lalaking ito, alam naman ng lahat kung gaano kasakit ang mawalan ng isang mahal sa buhay.
Ayon sa kwento ni Ryan Casidsid, ang naulilang nobyo, ilang araw na lamang bago sana ang nakatakdang araw ng kanilang pinaka-aantay na kasal, nang sumakabilang buhay ang kanyang pinakamamahal na nobya.
Narito ang nakakaiyak na liham at mga larawan ng dalawa:
Dear Mahal ,
Sa totoo lang hinde ko alam kung saan magsisimula magkwento, napakadami na nating napagdaanan mula ng maging tayo, napakadaming , tawa ,iyak at lungkot na ating napagdaanan.
Noon lagi ko pinapapray kay Lord na sana makahanap ako ng babaeng mamahalin ko at magiging ina ng mga magiging anak ko.
Pero hinde niya ko binigo, at nakilala kita .
Sabi ko noon parang gusto ko siya kilalanin ano kayang klase ng personality meron sya.
And then nagkaroon ako ng chance magawa yun noong kumain tayo nila Ahy Serad Tocalo Amani sa chowking sa may Centris,
Doon nga kinuwento mo un love story mo
Noon din nasabi ko sa sarile ko i think siya na.
kaya after natin kumain nag ask na ako manligaw, hehe
Natawa ako sa reaction mo noon , sabi mo pa nga , ha?
That time nasa Mrt ako noon, tapos noon doon nako nagsimulang mag bigay ng mga chocolates and flowers.
Pasikreto pa nga ung ligawan natin noon kasi ayaw natin pag usapan sa floor.
Pero talagang tunay un nararamdaman ko sayo kaya hinde yun kayang itago,
So ayun na nga nalaman na nila Gee San Pedro, moom Shirll Lapig Nuguid and ate Arlyn Grace Murillo Valdez Fhe Ng.
Eto na po nagsimula na un kansyawan sa atin dalawa, tayo naman magkatapat ng station nagkakatinginan lang na waaring ng uusap sa mga mata,un spark na dun, nararamdaman ko.
Ako na ata yung pinaka OA sa reaction pagdating sa love life.
Tapos nag asked ako sayo ng date , Oo un sagot mo tapos pag dumating na un exact na araw nung date sasabihin mo may pupuntahan ka
Sad day na naman ako, and then mag ka team tayo noon kay boss Janice Dinglasan Gargar Team Herra, Daming pakulo ni boss Janice , para hinde antukin sasayaw tayo ng baby shark buong team.
Kaya doon nag simula un love team natin na "Baby Shark"
Dumating din un time na inakala ko na pinapaasa mo lang ako, na akala ko katulad kadin ng iba, three months or four months nako nanliligaw wala padin ako nakuhang sagot..
Kaya naman humingi nako ng advised sa friend ko sa Cs na si Arlene Ordanza , sabi nya noon before bigyan ko ng timeframe at pakiramdaman ko kung may improvement.
And that time naiinis ka kay Arlene kasi dahil sa timeframe.. tawa much ako doon
And then yun nga Dec. 10, 2017 nagyaya ka magsimba sa simbahan ng Groto sa Bulacan.
Nagbigay ka saking ng scrap book na laman ay puro pictures natin , sabi mo pa nga noon d ka makahanapng magandang pwesto sa inyo, kung paano ka magsusulat, kasi natatakot ka mahuli ni mama at papa mo.
Tapos nagdasal tayo sa lahat ng station sa Groto , Dinasal natin lahat ng prayers until matapos natin lahat.
Ayon nakaramdam ng pagod tapos naupo tayo , sabi mo sakin may sagot kana sa tanong ko, that time pinatingin mo ko sa scrap book,
tapos tinakpan mo un words na nakasulat, hanggang un natira nalang ay un words na OO
That time hinug kita tas umiyak ako talaga, kasi Dec. 10,2017 naging tayo officially ..
That time sabi ko Lord thank You po !!
Hanggang nagcelebrare tayo ng 1year anniversary nagpunta tayo ng Tagaytay, ang saya saya , sobrang saya natin noon.
Tapos pumasok na un susunod na taon ng January 17 2019 Nag proposed ako sayo noon mixed emotion talaga un
Dami ko kinunchaba sa proposal wedding
Until dumating un time na lumabas kana sa office, naglakad ka papunta sa center ng centris walk, umiiyak habang pinapatugtog un theme song natin na I Swear
Dami na Umiiyak that time pati ako , nakita din kita umiiyak, hanggang binigay mo un matamis na yes !! sa tanong ko na Will you marry me.
That day i was the happiest man on Earth..
Tapos nun after a week namanhikan kami sa inyo, sobrang saya nang both family natin nun.
After two weeks may panibagong blessing na dumating nang malaman natin na buntis ka, sobrang saya ko talaga noon, andami nating plans ,
Yung uuwi ako na kahit pagod at laging tulog sa office , ay okay lang, kasi napupuyat ako pagaasikaso sayo noon, because i just wanna make sure na okay kayo ni baby, napaka moody mo noon, haha
Gusto mo lagi mo ko nakikita, nakukurot at naamoy, nun naglilihi ka noon ayaw mo ko pabilin na food sa daan, kahit madadaanan ko na, gusto mo pagdating ko doon mo ko uutusan
Naalala ko gusto mo lagi kumain ng sopas,
Pagsapit ng March 28 nawala satin si baby , isang malaking pagsubok un nangyari satin, sobrang hirap at sakit ng mga nangyari satin, two months ka naka leave nun.
Ikaw yung tao na ayaw matitimbre sa bahay kaya pumasok kna agad para ma support un needs ng family mo.
Nagfocus na tayo sa kasal noon, lahat pauti uti nating , nakukumpleto sa kasal, receptions , souveners , gamit ng mga Abay, Tapos nadin tayo sa mga seminars sa simbahan at munisipyo, nareleased na nga un marriage license natin. nakascheduled na din tayo ng kasal sa simbahan ng Dec.21,2019,
Everything is already okay, Pero akala namin tuloy tuloy na un happy ending
Yun pala ay simula palang ng mas malaking hamon , nagworried ako sa paglaki ng tiyan mo noon, Oct.18, 2019 na diagnosed ka ng acsitis , naadmit ka sa Metro Antipolo Hospital, madaming treatment and laboratories un ginawa, kinunan ka ng tubig sa baga, sabi nagkaroon daw ng "pleural effusion " at pneumonia .
Ginawan kadin ng curritage and biopsy , sabi pede daw infection, Cancer or Tb.
after mo ma addmmit ng more than two weeks, nakauwi din tayo , Nov 6,2019,
Pag uwi natin ang akala ko gamutan nalng, panibagong pagsubok na nman ang aming pagdadaanan, uminda siya nang sobrang pag sakit ng ulo.
Mga ilang araw lang nagdecide na ako na i admitt sya sa Padre Pio Hospital sa San Mateo,
Doon nagsagawa ng test , at ctiscan sabi sa result, may pamamaga na nakita sa loob ng kanyang utak at may mga modules na nakita, that time i keep on praying na sana maging okay lang sya..
Awang awa na ako sa asawa ko , na nagwawala na siya sa sobrang sakit nang ulo,
hinati ko katawan ko sa umaga caregiver /nurse ako, at sa gabi nag wowork ako,
Hinde ko iniinda yung pagod kasi ayaw ko na makaramdam din siya ng pagod mabuhay
Dumating nako sa point na hinde ko na kaya un mga gastusin, kaya nag asked na ako ng help sa mga ka office mates namin, ganoon din un family nya , ang hirap pero, lagi ako nananalangin na pagsubok lang ang lahat, at malalampasan din namin ito.
Lumipas ang araw at mga gabi, lalo niyng iniinda yung sakit nang ulo niya, ang sakit sakit kasi wala ako magawa, that moment ginusto ko na sumuko, pero sabay kami nagdsal.
Sabi niya, "Lord sana bigyan mo pa po ako ng chance mabuhay, kasi gusto ko pa pi magka pamilya,
Hinde ko na napigil un pagtulo ng mga luha ko, at wala na ako nagawa nang hawakan niya ako ng mahigpit sabay sabi na " deserve mo magmahal ulit at mahalin, kasi mabait ka at maalaga. "
Pero ang talagang kumirot sa puso ko ay nang marinig ko ang hiling niya, na pag namatay siya ay pagsamahin ko sila ng baby ko na si Tony..
Na ayusin ko daw silang dalawa, wala ako magawa kindi tumungo nanlng , kasabay nang pag patak ng aking mga luha .
Kinausap kami nang Doctor niya na dapat na namin siya ilipat ng mas malaking hospital, Nov. 18/2019 naghanap kami ng panibagong hospital, that time sobrang sakit na ng ulo niya, kasama ko ang nanay nya nasi nanay Angie Taduran at ang kapatid ko na si Zhou Xi Princess , madaming malalaking hospita ang aming pinuntahan pero kulang sila sa facilities,
Hanggang nag decide na ako na dalin sya sa , Capitol Medical Center sa Quezon City.
Nakakatuwa yung hospital na ito kasi lese than 24hrs ginawa nila un medical treatment sa asawa ko , nang walang hinihingi ni Piso.
Sumailalim sya sa napakaraming tests, para ma identify talaga yung sakit nya, unang diagnosis is Tuberculoma , curable naman daw, kinunan na sya ng tubig sa spinal cord .
Inabot pa ng isang linggo bago lumabas un test results,
Araw araw sobrang sakit ng ulo nya,until lumabas un final diagnosis na Tb Meningitis . hinde ko din alam kung paano ko siya mtutulungan, umiiyak nalng ako sa chapel at humihingi ng tulong kay Lord.
Hirap na hirap ako dalin un stress sa araw araw, pero napagtagumpayan ko lahat na g iyon.
Kasi ang iniisip ko eh ang paggaling nya.
Humingi din kami ng opinion sa ibang doctor, sa Batanggas, doon nga ay napagalaman ko na maliit ang survival rate ng asawa ko, 30/70% .
At sabi nang Doctor nna kung maka survive man sya wala nang assurance na maibalik siya sa dati.
Noon marinig ko iyon sa Doctor, parang nawalan ako nang pag asa, gumuho yung pangarap na pinundar naming dalwa, at nakaramdam ako nang awa sa aking asawa .
Lumipas ang mga araw, at isa isa nang nawawala un mga senses nya, pero i knew na naririnig nya pa ako, kasi pinipilit nya pang hawakan un kamay ko.
Bumulong ako sa kanya na wag siyang matakot, andito lang ako, 'ill taking care of you"
alagaan kita hanggang pagtanda lumaban ka lang..
that time ayoko tanggapin na mawawala sya sakin, Lumipas ang ilang araw at nasa Comatose status na siya, nasa three days din siya na coma.
Until sinabi ni Doc. na dapat na sya gawan nang Vp shunting para matanggal un excess fluids sa utak nya.
Ginawa namin lahat, nalagap ang pamilya nya, at ako ng pera, Hinde na ako nahihiyang magask ng help sa mga katrabaho,pamilya at office mates namin.
Dec.2,2019 8:00am ng umaga na operahan siya,
Mas lalo ko siyang minamahal bawat araw na lumilipas, that time nilapitan ko sya ,
after ng operation nagkamalay siya, kumukurap na ung mga mata niya, at nagrerespond narin u katawan niya.
That time nag decide kami nang mga tita niya at mama nya na umuwi,.
sabi ko sa kanya " mahal uuwi muna ako saglit ha, at ako kukuha lang ng damit at matutulog din saglit, then balik ako ng afternoon.
Hinde ko alam na yun na pala yung huling araw na magigisnan ko na nkamulat ang kanyang mga mata.
Napakasarap nang tulog ko nang araw na iyon ,
5:00pm nako nagising, hanggang nakarecieved ako nang txt sa kapatid niyang lalaki na si Arjay Taduran Jimenez ito ang chat niya sa akin.
punta ka na dito tol , tinapat na kami ng doctor tol, wala na tlaga makuhang bp sa kanya, may hearbeat daw sya pero minimal nalang, , sinabihan na rin kami kung gusto nmin ipakuryente, pero di na kami pumayag, ayaw pa nmin syang mahirapan, , last monitor sa kanya may hearbeat pa sya, pero tlagang unconscious na, tol si ate tol!!! , punta kana dito tol , baka sakaling magising sya pag andito kana..
Nagmadali na ako maligo at magayos ng sarile, sabi ko sa papa ko at sa ate ko na si Annie Rose Casidsid at bf nito na si Henry Requillas na sumama na sakin sa hospital,
Mga bandang 6:45 na kami nakarating sa hospital, pagbaba ng hospital doon ako nkaramdam ng kaba ng dibdib na wariy nagpapahiwatig ng hinde magandang mangyayari, nakarecieved ako ng tawag sa papa nya, subalit ayoko itong sagutin dahil ayoko marinig ang kanyang sasabihin.
Sumakay kami ng elevator, hanggang makaabot kami sa 9th floor kung saan sya nagroroom.
Dumiretsyo ako sa nurse station, tanong ko, " ano po lagay ng asawa ko,
Tumugon ang nurse, sabay sagot nya, " hinde pa po ba nasasabi sa inyo wala na po si maam"
Ang sakit sakit, tipong nagmamadali ako pumunta sa room kung saan sya nakaadmit,
ayoko maniwala, na pinapanalangin ko na mali lang un dinig ko, nang makita ko sya na walang buhay , kasama niya sa kuwarto ang kanyang Ama at kpatid na sina .Angela Jimenez at rjhay .
Ngayon Nakalagap ang kanyang katawan sa St. peter chapel sa Rodriguez Rizal.
Ang aming masaya at matamis na love story ay officially na magcoclose sa Wednesday , kung kelan sya ililibing.
Sino nga ba mag aakala na ang Gown na aming pinagawa, ay sa ganitong sitwasyon na niya isusuot..
Labis ang pasasalamat niya sa inyong lahat na tumulong at nag effort na dumalaw, ..
Sa aming mga kamag anak na sumuporta at nagpakita nang importansya sa aming pagmamahalan.
Mahal bye for now , mananatili ka sa puso at aking isipan, i will always love you
Hanggang dito nalang po ang last chapter ng Love life namin ni mahal, baby shark, Darling.
Please tell to baby Tony how much i love him.
Love Dady Ryan
Posted original By Ryan Pag asa Casidsid
Tignan ang kanilang mga larawan:
Source: Trending Videos Noypi
Source: Daily Sentry
0 Comments